FAQs

Hindi po. Ang mga inimbitahan namin sa aming kasal ay mga matatanda lamang. Ang mga batang maaaring dumalo ay ang mga kasama sa entourage. Salamat sa inyong pag-unawa!

Opo. Kailangan namin ito upang makumpleto ang mga detalye ng mga bisita at ma-finalize ang bilang ng mga dadalo. Mag-RSVP dito.

Hindi po, maliban na lamang kung ito’y aming personal na kinumpirma. Bagamat nais naming makasama lahat ng aming kaibigan at pamilya, limitado lamang po ang bilang ng upuan. Ang mga hindi inaasahang dadalo ay maaaring hindi makahanap ng kanilang pangalan sa seating arrangement. Salamat sa inyong pang-unawa.

Malulungkot kami na hindi na kayo makakadalo sa aming kasal dahil pawang ang mga malalapit sa aming puso lamang ang aming inanyayahan. Gayunpaman, pakiabisuhan kami kaagad upang maibigay pa namin ang inyong naka-allocate na upuan sa ibang panauhin.

Maaaring pakiabisuhan kami kaagad. Gayunpaman, pakitandaan na maaaring naialok na namin ang inyong upuan sa ibang panauhin. Dahil dito, hindi namin maipapangako ang parehong bilang ng upuan o kung mayroon pang bakante. Maaari naming i-check kung mayroon mang last-minute cancellations, ngunit sana’y huwag magdamdam kung hindi na namin kayo ma-accommodate.

Hindi. Naglaan kami ng malaking oras at pagod upang tapusin ang seating arrangement na iniayos para sa kaginhawaan, network preference, at grupong pamilyar sa isa’t isa. Huwag mag-alala, ang aming mga coordinator ay handang tumulong sa inyo upang mahanap ang inyong itinalagang upuan.

Taos pusong pasasalamat sa inyong pagdalo, hindi namin hiling ang anumang regalo, ngunit kung kayo’y nagnanais at maghahanda, pera ang aming mungkahi para sa aming panimula.

Scroll to Top